Barangay Love Stories - CheChe Part 2

video

Noong sumapit ang bakasyon matapos ang unang taon namin sa college, magaan pa naman ang loob kong makasalamuha ang pamilya ko kasi hindi pa ako guilty. I mean, may mga nagawa akong hindi tama na hindi alam ng family ko pero hindi naman masasabing kasalanan. Ang pagsama-sama ko lang naman kay Ate Beth ang mga kapalaluang masasabi kong hindi OK at siyempre ang mga pag-a-absent ko kapag may gimik kami ni Ate Beth. Maliban sa mga ito ay wala na akong nagawang ibang kasalanan.



Hindi ako nakipag-boyfriend. Ito ay naiwasan ko kahit na maraming nagtatangkang manligaw na mga ka-klase ko at mga kapit-boarding namin. May mga kaibigan din sina Kuya Benjie at Kuya Cliff na na nire-reto nila sa akin pero wala akong nagustuhan sa kanila at dumaan ang unang taon ko sa college na walang boyfriend kaya nanatili akong never been kissed, never been touched.................

1 comments:

diane said...

nakakainis papa dudut! bakit putol ang kwento dito ni cheche?...nakikinig ako nung sunday ng hapon after ko mag laba pero naka tulog ako kaya hindi ko natapos, sana i post mo yung karugtong nya, bitin na bitin ako sa kwento..please papa dudut>thanks and more power to your show..

ShareThis

 
Themes by Bonard Alfin Site Meter Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines